I made this widget at MyFlashFetish.com.

Thursday, August 5, 2010

Puso'y 2

Mahal kita at mahal ko din siya
Paano nga bang magmahal nang dalawa
Kung pareho ko silang ayaw mawala?
Hindi ko yata kayang makitang masaktan ang isa.

Naglalaro sa dalawang paraiso
Subalit pagmamahal ay hindi naman buo
Sapagkat hinahati sa magkaibang puso
Ang pag-ibig na laan lang sana sa iisang tao.

Hindi ko masukat kung sino ang mas matimbang
Basta't sila'y mahal ko, 'yun ang aking alam.
Mali sa tingin ng iba pero wala akong pakialam
Dahil mahirap turuan ang pusong may pakiramdam.

Isang gintong pag-ibig sa dalawang singsing
Hindi ko alam kung sino ang aking pipiliin.
Kung sana dalawang baraha ang maging akin,
Pareho ko silang iibigin.

1 comment:

  1. sa totoo lang magulo yong mga images sa tula, at ang dating sa'kin parang prose at hindi tula (critique lang - isang bagay na parati naming ginagawa sa classroom)

    ReplyDelete