I made this widget at MyFlashFetish.com.

Monday, September 20, 2010

CHISMOSA


Nakita.
Narinig.
Naisip.
Naramdaman.

Sa palagay ko.
Sabi ni ano.
Ayon kay ganito.
‘Yun daw ang balita sa kanto.

Sinubaybayan.
Pinakinggan.
Pinakialaman.
Pinakiramdaman.

Inakala.
Ipinasa.
Inilipat sa iba.
Ikinalat ay iba.

Dinagdagan.
Binawasan.
Pinalitan.
Pinagkaguluhan.

Dada ng dada.
Mali naman ang balita.
Putak ng putak.
Dinungisan pa pagkatao ng iba.

SShhh! Tahimik!
SShhh! Itikom ang bibig!
Tama na nga ang salita
Huwag kang chismosa!

Saturday, September 18, 2010

kabOs kadi?

Hindi ko lubos maintindihan
Kung ano talaga ang iyong katauhan-
Madalas mabait, minsan masungit
Madalas makulit, minsan malupit.


Nagpapanggap ka ba
O baka trip mo lang yata?
Nagtataka ako kung ikaw ba ay bida
O isang lihim na kontrabida.


Bawat segundo, paiba-iba ang iyong gusto
Bawat minuto, ako sa iyo'y naninibago.
Sinasapian ka ba ng multo
O baka binubulungan ng masamang espiritu?


Dilat aking mata at ako ay saksi
Totoo nga ito at hindi guni-guni
Pero teka nga muna sandali...
KabOs kadi?

Friday, September 3, 2010

SAY SWAT!!!! (A SWAT Shout for LAW)


Sana ‘Wag Ako Tawagin
Sana ‘Wag Ako Tanungin
Sapagkat Wala Akong Tamang sasagutin
Sasabihin ay Wala At Tanging mali lang din.

Sigaw ay ‘Wag! kundi Ako ay Tatakas
Sigaw ay ‘Wag! kundi Ako ay Tatakbong palabas
Sige na!  Wala Ako sa Tamang pag-iisip at landas
Sige na!  Wala Ako sa Tiyempong magpakitang gilas.

Siguradong Wala Akong masasagot na Tama
Siguradong Wow! Ako ay Tatayo lang na parang tangga.
‘Sensya na! Weak Ako ngayon Talaga
Sa susunod Wala na Akong reklamo, sige na.

Siya na lang! ‘Wag Ako! Thank you po!
Siya na lang! ‘Wag Ako! Tense na ako
Say What? Ako na? dali Tago!
Say What? Ako na? Tatanggi ako.