I made this widget at MyFlashFetish.com.

Monday, August 16, 2010

BRO

Turing niya sa akin ay kabaro
Tingin niya, ako ay kanyang katoto
Ang tawag niya nga sa akin ay bro-
Tigilan mo nga nandidiri ako.

Pareho kami ng taas ng tindig
Boses namin ay magkasing baba ng tinig
Ngunit magkaiba ang damdaming hinimig
At puso ko ay siya ang pinipintig.

“Pare, walang talo-talo”
‘Yun ang aming ipinangako.
Pero paano ang aking pagsusumamo
Isusuko ko ba at hahayaang maglaho?

Magkasama kami sa lahat ng tambay
Sa inuman, iisa ang aming tagay
Sa lahat ng oras ay magkaramay
Kami kaya ay bagay?

Bulaklak ang gusto niya
Samantalang ako, tanging Siya.
Dugo namin daw ay iisa
Subalit ‘yun ang akala niya.

Ang sabi niya, mali
At siguradong magagalit ang marami.
Sa iba na lang daw ako humingi
Ng pag-ibig dahil hindi pwedeng maging kami.

Turing niya lang sa akin ay utol
Sa katulad ko, hindi siya pumapatol.
Masakit man ang kanyang huling hatol
Tatanggapin nang pagsasamahan ay ‘di maputol. L

Tuesday, August 10, 2010

BAHA-HARI

Panahon na naman ng tag-ulan
At ang kalangitan ay binabalot ng kadiliman.
Sumilong ka na bago pa maabutan
Ng tubig-bahang mistulang isang malawak na dalampasigan.

Masarap pagmasdan ang bawat patak ng ulan
Ngunit ikaw ba ay patuloy na masisiyahan
Kung pagbuhos nito ay hindi na mapigilan
Habang nakikitang lubog sa tubig ang kapaligiran?

Kaawa-awa ang mga naglalangoy na hayop, puno at halaman
At mga bubong ng bahay na tanging nasisilayan.
Kaya't huwag kang bibitiw sa  iyong kinakapitan
Baka malunod ka at maglayag sa kung saan-saan.

Kung bahang ayaw tumila ang naghaharing kalaban,
Hanggang kailan ka mananatili sa iyong kinatatayuan?
Ipinapanalangin na ang bahag-hari ay muling makita sa kalangitan
Nang init at sinag ng araw dumampi at maramdaman.

Thursday, August 5, 2010

Puso'y 2

Mahal kita at mahal ko din siya
Paano nga bang magmahal nang dalawa
Kung pareho ko silang ayaw mawala?
Hindi ko yata kayang makitang masaktan ang isa.

Naglalaro sa dalawang paraiso
Subalit pagmamahal ay hindi naman buo
Sapagkat hinahati sa magkaibang puso
Ang pag-ibig na laan lang sana sa iisang tao.

Hindi ko masukat kung sino ang mas matimbang
Basta't sila'y mahal ko, 'yun ang aking alam.
Mali sa tingin ng iba pero wala akong pakialam
Dahil mahirap turuan ang pusong may pakiramdam.

Isang gintong pag-ibig sa dalawang singsing
Hindi ko alam kung sino ang aking pipiliin.
Kung sana dalawang baraha ang maging akin,
Pareho ko silang iibigin.

Wednesday, August 4, 2010

SAMA-SAMA (SAM-Ader Day)

Shiftee Ako Mula Accountancy
Sayang! Ako'y Malapit na Actually.
Sa ngayon Ako'y Management Accountancy.
Sayang! Ang Maganda sanang Ani.

Sino Ang May sala? AKO?
Sira! Ako'y Minalas lang Ano.
Sinisi Ay Madalas Ako
Subalit Anong Magagawa, Alangan ipilit ko?

Sakit Aminin, Mahirap na ito Ay tanggapin
Sana Ay 'wag ka nang Magtangkang Alamin
Sisigaw At Maiiyak lang Aking damdamin
Shhh! sige na Ah. Maawa ka sa Akin.

Sugat, Alinlangan, Masakit na Alaala
Sana Ay Mawala na Ama!
Sisimulan ko na Ang Magbago kahit ito Ay huli na.
Sikap At Magtiwala sa Iyo Aking mga sandata!

Ang hiling ko ngayon...
Sana Ay Muling maging Akin
Si Accountancy'ng Minsa'y nabigong Abutin.
Sana Ang Munting Asam at dalangin,
Sumibol At Maging Araw
sa susunod na ito'y muling susubukin.

Maybe SAM-Ader Day! :)

Tuesday, August 3, 2010

Just an Ordinary Stone

How much does an ordinary stone worth
When it's only made out of dashes of dirt?
If man seeks brilliance in his sight
Can a pyramid still stand high with might?

I know a stone can never be placed
Like a diamond in a ring or lace
Nor it can never be called
Like a treasure of splendid gold.

For ordinary stones are only thrown
While those special jewels own a throne.
For no one will dig a just ordinary stone in the sand
Like precious gems loved by every hand.

Fallen Star

I used to be a bright star
That shines above the midnight sky
Where people's eyes are mine
Rejoicing and envying my every gleams of light.

But time passed by too fast
And so with winter that frozen me until I die;
Where darkness smothered my way out of destiny
Leading me to fall into the grounds of misery.

Wish i could fly back at the midnight scene
So everyone will love me as always been.
'Coz now that I am a fallen star,
I can feel the pain of that distance so far.

Monday, August 2, 2010

Anak ng Bata

Musmos at wala pang alam si Nene,
Ngunit meron na siyang pinapadede't hinehele.
Si Totoy na may gatas pa sa labi,
Ngayon siya ay may kahati.

Hindi pa man nakakatayo sa sariling paa
Pasan na nila ang daigdig na pangmatanda.
Buhay nila'y paano pa kaya
Kung sa tulong ng mga magulang lang sila umaasa?

Naligaw sa maling landas
At ang pinto pabalik tila ayaw magbukas.
Kakayanin ba ng munting lakas
Na buhatin ang responsibilidad ng hindi tumatakas?

Bata, bata, tahan na sa pagluha.
Kung sa una'y nag-isip ka lang ng tama
Di sana'y wala kang anak na problema
Makakapaglaro ka pa sana ng malaya.


Sunday, August 1, 2010

Baso-ra

Basura noon, basura pa rin at dumami pa sa ngayon
Kalat na galing dito, umabot na hanggang doon.
Tila Ilog Pasig na laman ay dumi ng tumatakbong panahon
Na unti-unting umaapaw tulad ng tinding ng Bulkang Mayon.

Mga pira-pirasong ginto na sa kanila'y nagtatago
Bakit hindi gawing buo para maging negosyo?
At hindi itayong parang palasyo
Na inaalipin tayo sa kamay nito.

Gusto mo ba talagang maligo sa tubig na putik
At uminom ng isang basong lasang panis?
O di kaya'y maglakad sa lugar na matinik
At masilayan ang tanawing basura ang nakatirik.

Puno na nga ang baso at wala nang paglagyan
Ng mga kalat na itinatapon lang sa kung saan-saan.
Hahayaan bang basora ang manirahan
Sa paraisong dapat tayo ang nakikinabang?

Kama-tayan

Nais mo na rin bang matulog sa iyong kamatayan
Kung saan hapdi ay di mo na mararamdaman
At ang pasanin mo sa buhay ay maglalahong tuluyan
Sapagkat sa pagkahimlay mo'y nandoon ang inaasam?

Ikaw ba'y nabubuhay ngunit parang isang patay
Na nakakulong sa rehas ng pagkalumbay?
Ikaw ba'y nakatayo sa tulong ng saklay
Ngunit di pa rin makalayo at makamit ang tagumpay?

Pagod ka na bang maghintay sa bukas na hindi na darating?
Sawa ka na bang maniwalang may makikinig sa iyong dalangin?
Kung sa dilat na mata'y mayroong bumabalot na dilim
Samantalang sa pagkapikit ay may magandang tanawin,
ano ang iyong pipiliin?

Kalayaan... sa paghihirap na hinaharap mo-
Isang pagtakas sa bigat ng problemang pasan mo.
Ngunit kaya mo bang mga mahal mo'y isakripisyo
At makita silang lumuluha dahil sa pagkawala mo?