I made this widget at MyFlashFetish.com.

Monday, August 16, 2010

BRO

Turing niya sa akin ay kabaro
Tingin niya, ako ay kanyang katoto
Ang tawag niya nga sa akin ay bro-
Tigilan mo nga nandidiri ako.

Pareho kami ng taas ng tindig
Boses namin ay magkasing baba ng tinig
Ngunit magkaiba ang damdaming hinimig
At puso ko ay siya ang pinipintig.

“Pare, walang talo-talo”
‘Yun ang aming ipinangako.
Pero paano ang aking pagsusumamo
Isusuko ko ba at hahayaang maglaho?

Magkasama kami sa lahat ng tambay
Sa inuman, iisa ang aming tagay
Sa lahat ng oras ay magkaramay
Kami kaya ay bagay?

Bulaklak ang gusto niya
Samantalang ako, tanging Siya.
Dugo namin daw ay iisa
Subalit ‘yun ang akala niya.

Ang sabi niya, mali
At siguradong magagalit ang marami.
Sa iba na lang daw ako humingi
Ng pag-ibig dahil hindi pwedeng maging kami.

Turing niya lang sa akin ay utol
Sa katulad ko, hindi siya pumapatol.
Masakit man ang kanyang huling hatol
Tatanggapin nang pagsasamahan ay ‘di maputol. L

No comments:

Post a Comment