Nais mo na rin bang matulog sa iyong kamatayan
Kung saan hapdi ay di mo na mararamdaman
At ang pasanin mo sa buhay ay maglalahong tuluyan
Sapagkat sa pagkahimlay mo'y nandoon ang inaasam?
Ikaw ba'y nabubuhay ngunit parang isang patay
Na nakakulong sa rehas ng pagkalumbay?
Ikaw ba'y nakatayo sa tulong ng saklay
Ngunit di pa rin makalayo at makamit ang tagumpay?
Pagod ka na bang maghintay sa bukas na hindi na darating?
Sawa ka na bang maniwalang may makikinig sa iyong dalangin?
Kung sa dilat na mata'y mayroong bumabalot na dilim
Samantalang sa pagkapikit ay may magandang tanawin,
ano ang iyong pipiliin?
Kalayaan... sa paghihirap na hinaharap mo-
Isang pagtakas sa bigat ng problemang pasan mo.
Ngunit kaya mo bang mga mahal mo'y isakripisyo
At makita silang lumuluha dahil sa pagkawala mo?
No comments:
Post a Comment