Basura noon, basura pa rin at dumami pa sa ngayon
Kalat na galing dito, umabot na hanggang doon.
Tila Ilog Pasig na laman ay dumi ng tumatakbong panahon
Na unti-unting umaapaw tulad ng tinding ng Bulkang Mayon.
Mga pira-pirasong ginto na sa kanila'y nagtatago
Bakit hindi gawing buo para maging negosyo?
At hindi itayong parang palasyo
Na inaalipin tayo sa kamay nito.
Gusto mo ba talagang maligo sa tubig na putik
At uminom ng isang basong lasang panis?
O di kaya'y maglakad sa lugar na matinik
At masilayan ang tanawing basura ang nakatirik.
Puno na nga ang baso at wala nang paglagyan
Ng mga kalat na itinatapon lang sa kung saan-saan.
Hahayaan bang basora ang manirahan
Sa paraisong dapat tayo ang nakikinabang?
No comments:
Post a Comment